ilan taon ka na bang nabubuhay?
sa ilan taon bang ‘yon ikaw ba’y may saysay?
may dangal na kaakbay patungo sa hukay
may luhang papatak, kapag ikay nahimlay.
matatag ka ba?
nakatayo ka pa rin ba o gumagapang na?
luha’t pawis mo bay tila tigang na
nasa ilalim pa rin ng gulong at tila iniipit pa.
sa iyong paglalakbay, naitanong mo ba kung bakit
bakit mahiwaga ang buhay at tila kay lupit
saliksikin mo mang mabuti at alaming pilit
ang lalabas na kasagutan ay walang kasingpait
hanggang saan ang iyong kakayanan
may naiiwan ka ngunit madalas ikaw ang iniiwan
iniiwanan at di na muling binabalikan
at kung balikan man ay sang sulyap na lang
oo, lahat ng bagay ay may panahon
panahong bumagsak at panahong bumangon
panahong tila pisi ng isang guryon
rehas ng buhay ay yaon ding panahon
parang wala kang naramdaman
walang narinig kahit konting ingay man lang
isang saglit, kalahating segundo
ganyan kabilis ang buhay ng tao.