AboutTheUniverse

This is my laboratory of happiness and the place where my sanity ends.

MyZune

Time

Popular Posts

“….kailan kaya ako magbabalik, sa piling ng iyong mundo… hindi na siguro.”

manhid man ang mga paa, pilit humakbang
marahang tinahak ang destinasyong tinitigan.
marahang iniwan, mga upos na tinapakan
sa bagsak ng mga paa, binasag ang katahimikan

malalim na ang gabi, andito pa rin sa kalye
kalyeng madalang ang nagagawi.
ang kalye na sa lahat ay naging piping saksi
ang calle beinte-nueve.

sa pagpatak ng paa,
sabay ng buntong hininga.
mga kamay sa bulsa
nakatungo, nakatitig sa kalsada.

malayo na rin ang narating
sana’y sapat na ang pagod upang makatulog ng mahimbing
sana’y di na maalala ang dati niyang lambing,
sana’y di na maghintay at di na isipin.

pagdating sa kabilang kanto,
eto at napansin ang isang anino
aninong nag-iisa, pilit naninigarilyo
nag-iisip, ng malalim, naghihintay din sa kanto.

hindi ako nag-iisa!

napangiti ng bahagya, sapagkat may karamay na
kaya’t umupo sa tabi mo, walang salita
sinundan sa pagkatitig, sa pader sa harapan
mga luha’y pumapatak sa papel na niyukos at sinulatan.

sa pagitan ng daliri mo, inabot ang sigarilyong sinindihan
sigarilyong halatang, labi’y madalang lapatan.
isang mahabang hithit, ito at may baga na naman
sabay inilapat sa braso, baga’y naging abo, sarili’y pilit sinaktan.

bakit mo ginawa ‘yon!?
dalawang bagay lang….
para sigarilyo’y di mo na muli subukan
para damayan sa sakit na iyong nararamdaman.

namamanhid na naman ang mga paa, kaya’t tumayo na.
aalis ka na?!
akala ko ba dadamayan mo ako sa aking pag-iisa?
napatayo ka na rin, at nagsimula na namang lumuha.

‘wag ka nang maghintay
sa ilalim ng posteng ito na patay ang kulay.
sayang ang buhay.
para ubusin sa walang kwentang bagay.

hindi lahat ng bagay
ay nasa ating mga kamay..
habang…
…buhay.

marahan kang nilisan.
mapait mong tinitigan.
masakit mang ika’y iwanan
sa ngayon……. kailangan.

ang matagal na tinitigan sa kawalan
kapag andon na at nalaman….
na wala ng pag-asang panalangin ay dinggin.
kahit mag-uumaga na, babalikan kita at aakayin

0 comments

Post a Comment

SolarSystem

Asteroids

SolarFlare

Bookmark and Share

Planets

BigBangTheory

Aliens