AboutTheUniverse

This is my laboratory of happiness and the place where my sanity ends.

MyZune

Time

Popular Posts

At nagising na ang diwa
ng malupit na ulap
Ngunit di mo pa rin nakikita
ang saya ng liwanag.

At naglaho na lahat
ng masamang panginip
Ngunit pinipili mo pa ring
humiga at pumikit.

At sisimulan ko na
ang bagong umaga,
Ngunit para sa’yo
magdamag pa ring malaya.

At pumatak na ang luha
ng huling paghihirap,
Ngunit mas ninais mong
magtapon lang ng isang sulyap.

At bumangon ako’t
umasang sasama ka,
Nguni’t mas minabuti mong
humiga na mag-isa

At natapos na
Ang buhay kong walang saysay,
Tapos na rin ang tula ko
Ngayon ay nakahimlay.

At ngayon ay naglalakbay
Tanging alaala ang s’yang akay-akay
Pagdating dun natagpuan ang patunay
Na wala talagang diyos na nagbabantay.


________________________
::published in Andamyo5
September 2005
PDF HERE

0 comments

Post a Comment

SolarSystem

Asteroids

SolarFlare

Bookmark and Share

Planets

BigBangTheory

Aliens