AboutTheUniverse

This is my laboratory of happiness and the place where my sanity ends.

MyZune

Time

Popular Posts

Tumatawa sa sobrang saya
Tila walang katapusang ligaya
Isinisigaw ng isipan: Ako ang panalo!
Sapagkat ‘di mo ako kaya.

Humahalakhak sa sobrang galak
Mapait na luha’y marahang pumapatak
Sumisigaw ang kaluluwa: Akin ang tagumpay!
Sapagkat ‘di mo ako kaya.

Pinagtutulungan ka ng puso’t isip ko
Na putulin ang huling hibla ng alaala mo
Pinapatay kita sa bawat kwento ko
Sapagkat ‘di mo ako kaya.

Ngunit…

Sa huli ako pa rin ang talo
Dahil sa simula’t simula, ‘di mo kailangang lumaban para manalo
Sapagkat matagal na akong patay sa isip mo
Ni hindi man lang nabuhay sa puso mo.

At sa huli ako pa rin ang talo
Sapagkat ‘di mo ako kaya
Hindi mo ako kayang…
…mahalin.


________________________
::published in Andamyo VII
©June 2007
PDF HERE

0 comments

Post a Comment

SolarSystem

Asteroids

SolarFlare

Bookmark and Share

Planets

BigBangTheory

Aliens