sa kanto, sa kalsada
tahimik, mapayapa, walang abala
binabatak pabalik lahat ng ala-ala
hinihimok ang sarili, sya’y muling makikita
sa gabing mapanglaw,
sa ilalim ng posteng mapusyaw ang ilaw
nakatitig sa kawalan, imahe nyang mapusyaw
halos buntong hininga lang ang tanging galaw
nasa’n ang paraiso?
sa pagbaba ng kamay, sabay patak ng abo
sabay buga ng usok mula sa sigarilyo
at muling uulitin, pagkaraan ng ilang minuto
eto na naman
itatapon ang upos, tapos tatapakan
sabay dukot ng isa pa, at saka sisisindihan
hithit-buga, sa kawalan ay tititig at mag-iisip na naman.
at ito nangyari na,
huling pirasoy nasa talampakan na
ubos na ang usok , subalit hindi pa ang ala-ala
oras na nagdaan, nawalan ng silbi at naaksaya
wala ng pag-asa
bakit iisipin ang isang ala-ala?
hindi na muling babalik ang isang wala na!
habang buhay pangangarapin ang sadyang imposible na.
kaya’t tumayo dahan-dahan
paang manhid na ay marahang inihakbang,
lumakad patungo sa kawalang tinititigan
sa destinasyong kahit sya ay hindi alam
“..paraiso, akitin mo ako sa anino ng gabing nakyuko sa kalsadang dinaanan nating minsan.. paraiso…. paraiso……”

Post a Comment