AboutTheUniverse

This is my laboratory of happiness and the place where my sanity ends.

MyZune

Time

Popular Posts

Noong nasa ikatlong baitang ako, may proyekto na ibinigay ang titser namin na si Mrs. Reforma na gagawin sa buong Christmas vacation. Science project. Compilation ng mga bagay na nagbibigay ng Heat, Light, Sound at Heat and Light.

January na, matatapos na ang bakasyon, malapit na bumalik ang klase pero di pa kumpleto project ko, kulang pa ng mga bagay na nagbibigay ng Light. Nabuklat ko na lahat ng magasin namin, nagupit ko na lahat ng pwedeng gupitin pero kulang pa rin. Linggo alas onse ng gabi, kulang pa rin, balisa na ako. Alas dose na at pilit na akong pinapatulog ng nanay ko at kinukumbinsi na 'bukas na lang tapusin', 'di ako pumayag, pillit ko pa rin binubuklat yung mga magasin na alam ko namang wala na ako makukuha. Hanggang bumigay na ako... (nope, hindi ako nabading)

Umiyak ako ng todo. Hindi makahinga. Kung bakit, hanggang ngayon 'di ko pa rin alam. 'Di ko alam kung natatakot akong mapahiya pag kulang ang project ko, 'di ko alam kung natatakot akong mapagalitan ng titser ko.
Maaga akong inalila ng oras, yan ang alam ko.

Nagising ang tatay ko habang inaalo ako ng nanay ko. Nagpaliwanag ang nanay. Kinuha ng tatay ang mga colored pen ko at nagsimulang idrowing mga kulang na pictures para sa project ko. Magaling magdrowing tatay ko. Tandang tanda ko yung mga iginuhit n'yang flourescent light at incandescent  bulb. Alas dos na ng madaling araw nakumpleto ang proyekto. Dun pa lang ako nakatulog.

Bakit nga ba dko naisip na idrowing na lang yun.

Kinabukasan, sulitan ng proyekto. Puyat pero maaga pa ring nagising at pumasok.
Wala pang sampu ang nagpasa.

Wala pang sampu. Yung iba e bukas, yung iba umabot ng kabilang linggo. Kanya kanyang dahilan na pinaniwalaan ng titser ko.

Makalipas ang sampung taon, pangalawang taon sa kolehiyo.

Polsci (Political Science), ang titser si Mrs. Lawas. Kailangan kopyahin ang ilang chapter ng gingamit naming mga aklat gamit ang typewriter at iku-compile.
"Next week dapat i-submit, or else..." sabi pa ni ma'am.

Hanggang ngayon 'di ko maintindihan kung anong pumapasok sa kukote ng  mga guro para ipakopya ng saktong sakto ang mga nasa aklat. Ba't di na lang ipa-photocopy o kaya utusang humiram ng aklat sa library.

Wala akong typewriter kaya dumayo pa ako sa kaibigan ko na taga Phase IV (kasingkahulugan ng Phase na to ang 'malayo').

Hindi ako magaling o mabilis magtype kaya literal na halos dalawang araw akong nagtatype. Tahimik ang gabi sa Phase IV kaya sigurado ako, naririnig ng kapitbahay patak ng tiklado ng makinilya.
Yung kaibigan ko hindi lang makareklamo pero pati sya puyat dahil sa ingay ko.

Ngayon 'di na ako pwedeng umiyak, wala ring magulang na magpapatahan at tutulong.

Lunes ng umaga ko na natapos yung compilation. Umuwi lang ako para magbihis tapos pumasok na. Dumating ang oras ng pagsusulit... Yup, tama ang hinala mo.
Wala pang lima ang ang nagsumite ng takdang-gawain. Kanya kanyang dahilan, dahilan na narinig ko na sampung taon na ang nakakalipas.

Hindi ko na tinapos yung klase, umuwi na lang ako at natulog.

1 comments

  1. ulantan1113  

    during college, ginagawa ko rin yung mga pinagagawa pero mostly, 'di ko nasasubmit. --nakapagtatakang pasa naman.--

    ang di ko lang nagawa e ung movie analysis n required for completion. naulit ko ung course dahil di ko kaya mag movie analysis, thankfully naiba ung prof, walang movie analysis. pasa naman.

    ",

Post a Comment

SolarSystem

Asteroids

SolarFlare

Bookmark and Share

Planets

BigBangTheory

Aliens