AboutTheUniverse

This is my laboratory of happiness and the place where my sanity ends.

MyZune

Time

Popular Posts


Butil butil na pawis,
Bumabagal ang oras,
Tumitindig ang balahibo,
Nanginginig ang kalamnan,
At humihilab ang tiyan...


Siguro alam nyo na kung anong sitwasyon yan, sino nga ba ang hindi nagdaan sa pinakanakakahiyang pangyayari sa buhay ng isang tao. Siguro 'di kumpleto ang buhay mo kung di mo yan naranasan.

Kamakailan lang e biktima ang walong taong gulang kong pamangkin ng sumpang yan. Malapit lang ang bahay namin sa school nila pero hindi pa rin umabot. Sigurado ako na may kwento kayong ganito nung elementary pa lang kayo, kung di man kayo ang bida malamang isa sa kaklase mo.

Minsan na rin akong naging bida sa ganitong eksena, Grade 3 ako nun, at talagang di maganda ang pakiramdam, halos pihitin ko na ang kamay ng orasan sa classroom namin para mag-recess na. Nang pumatak ang alas-nueve, di pa man nakakatayo mga kaklase ko e nasa labas na ako at nagsisimula ng lumakad ng dikit ang mga binti tungo sa bahay namin. Medyo malayo bahay namin sa eskwelahan kaya’t kumakanta na lang ako ng Bayang Magiliw (Lupang Hinirang) upang kahit papano e malimutan ko ang napakalupit na sitwasyon na kinaroroonan ko. Nakailang ulit din ang pagkanta ko ng Pambansang Awit bago ko narating ang banyo namin. Subalit ilang hakbang na lang e biglang sumambulat ang aking pinipigilan. Nakatayo lang ako sa harap ng banyo at tila nagdidilig ng pataba sa mga halaman ng nanay ko na nasa harap ng palikuran. Nasa labas pa ng bahay ang banyo namin noon.

Nakita ako ng lola ko at dalian ipinasok ako sa banyo at pinaliguan... tulala ako nun, matagal ding paliguan ang nangyari. Pagbalik ko sa school nagtaka mga kaklase ko bakit ako bagong ligo, ako naman sa kabilang dako e masama ang loob dahil hindi ako nakapag-recess.

Napakatraydor ng sitwasyon na ganyan, minsan sa school, minsan sa simbahan, minsan pag ume-exam (kaya ayon walang sagot), at pinakamalupit sa lahat e pag nasa loob ka ng sasakayan at malayo ang destinasyong pupuntahan.

Walang kwenta ang lamig ng aircon dahil pagpapawisan pa rin, halos isumpa mo na ang diyos sa hirap ng pakiramdam. o kaya e tawagin lahat ng santo, ‘pag hindi tumugon e demonyo ang tatawagin, talagang gagawin ang lahat maibsan lang ang paghilab ng tiyan.

Kakanta ng Lupang Hinirang o kya e ire-recite ang alphabet ng pabaligtad maiiwas lang ang utak sa karimlang kinasasadlakan. At tuwing ganito ang kaso, ito ang oras na mgtatrapik kahit hindi naman rush hour, masisiraan ang sasakyan at kasunod nun halos masiraan ka na rin ng bait, magpapagasolina at may halong chikahan pa sa pagitan ng driver at gas boy, at kung anu-ano pang mga magpapalala sa dati ng malalang sitwasyon.

Walang pinipili ang sumpang ito, ke napakaganda mong sekretarya na naka-mini skirt, crush kong celebrity na parang hindi tao sa sobrang ganda, o presidente ng malaking kompanya, mamamayan ng Ghana, Africa, Grade 2 pupil, presidente ng Pilipinas o tatakbo pa lang ngayong 2010, o kaya ay ang pinakamamahal kong babae sa buong solar system... kahit sino, kailangang dumaan dito.

Sabi nga ng isang quote na nabasa ko dati, Love is like the measles; we all have to go through it.

Gusto ko ring ikumpara ito sa love, parehong nakakapilipit ng sikmura pero sa kasamaang palad, kailangang pagdaanan.

Sabi rin ng tagline ng isang Korean movie: There three things that you can’t hide; cold, poverty and love...

Gagawin kong pang-apat ang sitwasyon na tinutukoy ko.

0 comments

Post a Comment

SolarSystem

Asteroids

SolarFlare

Bookmark and Share

Planets

BigBangTheory

Aliens