Nobyembre a singko, lunes, unang araw ng klase sa pangalawang semestre. Matapos ang isangdaan at dalawangput walong kilometro ng nakakapagod na biyahe, andito na ako sa siyudad.
Alas siete y media, tamang tama, abot pa ako sa unang subject ko. Wala akong planong ma-late sa unang klase ko, kahit na alam kong malaki ang posibilidad na ang professor ko ang hindi papasok. Ito ang mga bagay na aking iniisip kahit na masakit pa ang ulo at antok na sa paghihintay ng dyip patungo sa aking boarding house na malapit lang sa unibersidad na aking pinapasukan.
Alas otso na!, bakit parang may kakaibang nangyayari dito sa kantong ito. Walang dyip na patungo sa aking destinasyon!. Ang ibang kapwa ko estudyante ay napilitan nang mag-tricycle umabot lang sa kanilang klase, ang iba, kagaya ko, matiyagang naghihintay kahit na alam naming na may problema. Lintek.
Nadagdagan pa ang isipin ko. Puno ng “bakit” ang kantong iyon. On strike daw, naulinigan ko sa dalawang mamang nag-uusap sa aking tabi. Pagkapasa ang mga katagang “on strike” sa mga taong naroroon sa kanto. Unti-unti silang nagdesisyong magtricycle na lang. ako lang ang naiwan.
Sobrang pagod lang siguro ng utak ko kaya mahirap mag pasya. Naglakad-lakad muna ako pababa mg kalsada hanggang makarating sa amay tapat ng punerarya. Magta- tricycle na rin ako.
Habang nahihintay ng tricycle, isang dyip na halos wala pang pasahero ang papalapit sa aking kinatatayuan. Sabay kusot sa aking mga mata, tama! tama ang aking basa. Isinisigaw ng signboard ng dyip ang aking destinasyon. Agad akong pumara at sumakay na unahang bangko, malapit sa tsuper.
Ok ‘to, sabi ko sa aking sarili, makakatipid ako. “Ma, bayad po”, ngunit parang di ako narinig ng tsuper ganong malapit naman ang kinauupuan ko sa kanya. “ma, bayad po”, at inabot rin nya. Gusto ko sanang itanong sa mama kung bakit siya lang ang kaisa-isang dyip na bumabiyahe ganong ang kanilang asosasyon ay may pagaalsang ginagawa. Dahil napansin kong malalim ang iniisip ng tsuper, ako na lang ang nag-isip ng sagot sa tanong ko.
Di ko na alintana kung saang lugar na ang aming binabagtas, isa pa nakakapagod ang mag-isip. Medyo nagulat ako ng mapatingin ako sa back mirror dahil punong-puno na pala ang dyip ng mga estuyanteng uhaw sa biyaheng yon.
Ayan malapit na kami, isang liko na lang sa kaliwa. Habang kinakabig ng driver ang manibela, bigla kaming mapahinto. Isang malaking bulto ng mga tao ang nakaharang sa aming daraanan. Ang grupo ng asosasyong isinisigaw ang kanilang hinaing. Hinaing na payagan silang magtaas ng pasahe sa dahilang tumaas ang presyo ng gasolina.
Pambihira naman ‘tong mga taong ito, pagtaas lang ng gasolina ang nakikita. Bumababa rin naman ang presyo nito pero di naman sila nagbababa ng pasahe, patay malisya baga. Naalala ko tuloy nung unang salta ko dito sa siyudad, ang pasahe sa dyip e kalahati lang kumpara sa pasahe ngayon. Kung ang pagbabasehan e ang presyo ng gasolina sa pagtataas ng pasahe, wala naman sa kalahati ang itinaas nito.
Nalimpungatan ako sa pag-iisip ng lumapit ang isang mama sa kinaroroonan ng driver at inutusan ito na patayin ang makina at agad namang sinunod ng aming driver. Sumenyas ang mama, marahil ay lider ng asosasyon, sa kanyang mga kasamahan na tumahimik sandali. Wala akong ibang magawa kundi ang panoorin sila. Alam ko na ang susunod na mangyayari.
“P’re, ano ba naman ‘to?” simula ng kanilang lider, “nagtitiis kaming walang kita naipahayag lang ang ating mga hinaing ito ikaw bumabiyahe”. Hindi kumibo ang driver, nakatitig sa windshield at tila malalim ang iniisip.
“Matuto ka namang makisama!” sabing muli ng lider na tila galit na sa pagkabigong makakuha ng tugon sa una niyang tanong. Ang mga estudyanteng kasakay ko, tahimik man pero ramdam ko ang kanilang inip at inis.
“Makisama?”, ito ang unang katagang narinig ko sa driver, mga salitang tila baterya na nagpagalaw sa kanya.
“Pag kaya sumama ako sa inyo ngayon sa pagsigaw, magaganrantiyahan mo ba ang kaligtasan ng mag-ina ko?”, marahil napaisip ang lider at di na nakaimik, maging ako ay napaisip sa mga sinabi ng driver.
“Nasa ospital ang asawa ko, naganganak, sesarian, kritikal, dapat mga kamay niya ang hawak ko ngayon hindi manibela, ayaw simulan ang operasyon kapag walang down payment, pinangakuan ko na lang hanggang mamayang hapon ang ospital simulan lang nila ang operasyon”, ito ang marahang pahayag ng driver na ni hindi man lang lumingon sa kausap at alam kong pinipigilan lang niya ang pagluha.
“Andon na ako pare, kaunting panahon lang at kaunting pakisama ang hinihingi namin sa’yo e”, matigas na pahayag ng lider na siya ring ikinainis ko sa kanya.
“Pakisama”, mabilis na tugon ng driver at mas mataas ang boses ngayon, “kaya kong ibigay sa inyo yan kahit saan, kahit kailan, basta wag lang ngayon. Hindi ako humuhingi ng awa sa inyo, pangunawa lang ang hinihiling ko dahil ako ang mas nangangailangan ngayon”. Hindi na naghintay ng tugon ang driver, agad nitong pinihit ang susi. Sumenyas ang lider upang palampasin ang sasakyan.
Dahilan sa strike ideneklarang walang klase subalit hindi ko masabing walang silbi ang pagbabalik ko sa siyudad. Hindi lang kasi sa apat na sulok lang ng classroom malalaman ang nais matutunan.

Post a Comment